Ano Ang Paboritong Mong Ulam?
Katatapos ko lang mag-asikaso para makapasok na sa trabaho. Bumaba na ako ng hagdanan. Hindi pa man ako tuluyang nakabababa ng hagdan naaninag ko kaagad sa lamesa ang isang malaking mangko ng dinuguuan. Gumihit ang malaking ngiti sa aking mga labi. At ang pag-titig ko sa ulam na wari mo'y inaakit ako at tinatakam upang kainin ito. Biglang May nagtanong sa aking isipan na bakit may dinuguan dito sa lamesa gayong oras pa ng pagtitnda ni Ate Ayad sa Karendirya ni Lola Nemia. Pero hindi ko na inisip pa muli ang ganoong mga bagay. Minabuti ko na lamang na parusahan ang dinuguan na ito at dapat itapon ito sa aking lalamunan.
(Haaaay!! Tama na siguro iyong ganyang tagalog ko.)
Nagtimpla ako ng kape, kumuha ako ng mangko at kumuha ako ng konting dinuguan (Konti daw oh). lumabas na ako at bitbit ang mga parapernalya para parusahan ang dinuguan at dahil nasa labas ang karendirya nandoon din ang kanin.
Pagdating ko sa labas, nakita kaagad ni ate Ayad ang ulam ko at ngumiti din ito at nagsalita ng "hmmmm peyboret!".
Alam na ni ate Ayad kung ano ang paborito kong ulam. Araw-araw ba naman kaming magkita sa karendirya di pa nya malalaman?. Kahit anong lutong meron basta may dnuguan. Sasabihin na kaagad sa akin ni ate Ayad kapag may dinuguan na niluto si tita Malox.
Eto na kainan na. Habang sarap na sarap ako lumantak ng ulam kong paborito. May babaeng edad na hindi lalampas sa bente anyos. Medyo lampas na sya sa karendirya at biglang kumambyo ng paatras at nagtanong ..."
"May dinuguan kayo?" tanong nya.
"Meron" Sagot naman ni Ate Ayad.
"Magkano po"
"Trenta"
"Pwede po Kinse"
"Ay hindi pwede Bhe, Mahal ang karne eh"
"Sige na 'te, kahit konting konti lang"
Sa Pagkakataong 'yon naawa na siguro si ate Ayad at pinagbigyan ang babae. "Konti lang ah." hirit pa ni ate Ayad. Baka kasi nagugutom na. Kahit konting ulam ay kakain na ito. Proud naman ako sa kinakain ko kasi talagang hinahanap ang sarap nito. Tinatanong kung meron luto ng dinuguan. Hinahanap kumbaga. Masarap naman talaga at lalo pa kung luto pa ni tita Malox 'Da best talaga yan.
(PASINTABI PO)
Nilalagyan na ni ate Ayad ang plastik ng dinuguan at sarap na sarap na akong kumain sa kalagitnaan ng labanan. Biglang may narinig akong salita na pwedeng makapagpabago ng takbo ng buhay ko. Galing ito sa bibig ng babaeng tumawad sa ulam na dinuguan.
"Sa ASO lang kasi te eh.... salamat po te"
Teka, nasaan ang remote control? irerewind ko lang 'yong sinabi ng babae.
"SA ASO LANG KASI TE EH.....SALAMAT PO TE"
Tangina. Totoo nga! Malinaw. Kingina, ang kinakain ko pala para sa aso 'yon. Oo. Alam ko baboy ako pero hindi naman ako aso. Nang Marinig ko ang salitang makapagbabago ng buhay ko ay parang gusto kong tumayo at kunin ang mangko at ipalo sa mukha ng babae. O' kaya idonate ko na lang sa aso nya ang dinuguan na dapat ay kinakain ko pa hanggang ngayon, sa dahilang nawalan na ako ng gana. Ano kayang uri na aso meron sila? Di kaya kamag-anak neto sila si Mark Zuckerberg? (Oi Magreresearch yan.. di nya kilala) Eh di dapat pedigree ang ipaulam nila sa aso nila. Hindi kaya kashoping neto si Henry Sy. Hindi kaya Katakbuhan sa Tax Evasion neto si Lucio Tan.? O Kaya naman Kasakay ng mga Arroyo sa Chopper itong babaeng ito.? Malamang dinuguan nga ang kainin ng aso nila.
Alam ko rin naman na ang dinuguan ay bawal kainin ng mga kapatid nating Iglesia ni Cristo. Hindi ko naman kinokontra 'yon. Syempre bilang Kautusan at batas Pang-Relihiyon nila ay dapat galangin. (Itama nyo po ako kung mali ako) Inuutos kasi ng ating Panginoon o sinabi nya sa mga tao dati O Pangalanan nating Noah na kung ano ang dapat kainin at hindi dapat kainin. Syempre sya ang may gawa ng lahat sya rin ang magsasautos ng kung ano dapat ang kainin ng mga tao para mabuhay. Binigay ng Panginoon ang mga halaman o gulay at mga prutas pero hindi lang yan binigay ng Panginoon pati na rin ang mga hayop katulad ng mga ibon, isda o ano pang may karne. Pero pinagbawal nya ang kainin o isama sa pagkain ang dugo ng mga hayop. Kahit na karne na may dugo pa rin na kakainin ay bawal rin. Base yan sa nabasa ko. Ewan ko Kung doon sila bumase ng ipagbawal nila ang kumain ng dugo O marami pang mababasa sa bibliya kong bakit nila ipinagbawal sa kanilang mga kasapi. Hindi natin alam O hindi ko alam. Pero ang kinababadtrip ko ay iyong babaeng sigurado naman akong mahirap din at nakita ko na rin nagsisimba sa may Basketball Court at katulad din namin na kapag hindi kumilos at nagtrabaho ay mamamatay ng tirik ang mata sa kayabangan este gutom.
Hindi ba pwedeng bibili ka ng ulam na hindi mo na babanggitin kung anong uri ng nilalang ang kakain nito.?
"Pabili po ng inasal na manok, para sa tiger namin eh. Ayaw na ng gatas gusto karne na. pakilagay na lang sa bag ko ate kasi wala na akong kamay. kinain na ni tiger namin eh" tsk tsk
(Di mo pa rin alam kung sino si Mark Zuckerberg no? tsk tsk kawawang bata)