Ang Aking Pagtakbo Day 1
NOONG UNANG PANAHON:
Noong bata pa ako dati akong player ng baseball mula elementarya hanggang High School kaya hindi na sa akin bago ang jogging, stretching, exercise, ensayo maghapon, gumising sa madaling araw para magjogging, ball passing, catching, batting at yan ay ginagawa namin sa school taon-taon para sa District Meet at Provincial Meet at kung palarin kang makasama sa Straa ay ayos sikat ka na nyan pag uwi mo ng brgy. nyo. Oops! At yan ay dati kung gawain at hindi na ngayon.
AKO AY MAY LOBO:
Sa paglipas ng panahon di ko na namamalayan na lumulobo na ang katawan ko at tiyan ko sa kadihalanang may katakawan akong kumain ( ehem ) at kakulangan sa ehersisyo, pati nga sa basketball di ko na rin magawang makapaglaro. Sabi nga ng mga kakilala ko kapag nagkikita kami lalo na mga kabatch ko ay ganito "anong nangyari sayo Ade antaba taba mo na anlaki laki mo na anlusog lusog mo sobra " walanghiya parang kumanta lang nang nagtanong sila, di ba puwedeng isang beses lang sabihin iyong lusog, taba, at laki kailangan pa talagang ulitin (naalala ko tuloy iyong kantang "Bulaklak " ) Chorus: " Ambango bango 3x ng bulaklak ". Iyong iba naman kapag nagsalita sa akin ay may laman " oy pre hiyang ah " ngek! ginawa pa akong positive ah, pero di ko naman maikailang mataba ako kaya sinasagot ko na lang sa kanila ay " wala ba tayo jan pre? " este " shinampoo ko lang yan kaya hiyang, " ( hahaha ) di naman puwedeng tumanggi ako na mataba ako, ano gagawin ko?
A. Ibulsa ko muna ang bilbil ko at sabihing di ako mataba.
B. 2 hrs. akong hindi hihinga para ipit ang tiyan at macho ang dating.
C. Patagilid akong makipausap sa kanya para slim ang dating ko and
D. mataba talaga ako.
( Clue: D)
Meron namang ibang tao na nagsasalita ng " oy! painom ka na mayaman ka na daw ah, antaba taba ( isang ulit pa brod. hmmp! naku ) mo na pero dati medyo payat ka " ha? kung sabihan akong mataba ganun na lang pero kapag sinabing payat may kasama pang medyo, ang sagot ko naman sa sinabi nya sa akin ay " nagpataba talaga ako para di halatang naghihirap " , " weh " sabi nya. Langhiya di pa naniwala
SIMULA NA PO:
Tama na ang kwentong walang kwenta umpisahan na natin ang dahilan ng pagsabak ko sa jogging matagal nang panahon ang nakararaan kung hindi ako nagkakamali ay kahapon May 04 2011, unang araw ng pagtakbo. Isang umaga araw ng Miyerkules bigla akong ginising ni tito " dude, tara sama ka jogging tayo " sabi nya " ha? " sabi ko " tara, para pumayat ka na "sabi nya ulit, di tumayo na din ako ( pumayat pala ah hehehe ) kahit antok pa rin ako pinilit ko para naman ito sa akin, di kasi ako sanay na gumising ng maaga, maaga na ung 9 pm este 9 am sakto kasi 'yon sa oras ng pasok ko.
ATTIRE:
Naghilamos na ako at naku wala pala akong sapatos at short pang jogging, nagsuot n lang ako ng short na pang basketball at sando sablay ang attire ko para lang akong magbabasketbol ( jogging nga Ade eh jogging ) meron pang isang problema wala akong sapatos 'di naman puwede iyong Converse ( SM Fairview Sports Central Store ehem! ) o iyong Bench ( Vira Mall Greenhills Bench Store ehem! ) at Tribal shoes ko ( SM Sta. Mesa Tribal Store eheeeeeeeeeeeem!! aaaarrrrggggh!! pwweehh!!! sorry may sipon kasi ako ) pero ang napagdiskitahan ko ay iyong tribal ko ayos anlambot sarap sa paa sakto na 'to tapos sinuot ko iyong jacket na tribal ko ayos ang attire para akong dadalo ng konsyerto ng mga paborito kung banda tulad ng " Cueshe " ( yuck! Eeew!you're so kaderder). pero nakapang basketbol ako ng short na naka jersey, ang gulo naman ng suot ko wala na pagpipilian eto na 'to tara na.
Walkathon:
Walang hiya maglalakad pala kami sa park na pagjajoggingan higit 2 kms. 'yon wala na papunta pa lang gapang na ako tapos pagdating dun magjajogging na kami parang eksena lang sa pelikulang katatawanan ah,tinakpan iyong bibig ng biktima tapos sisigawan ng pangit na pulis ng " magsalita ka kung hindi malalagotan ka sa akin!! ". akala ko kasi sasakay kami sa Adventure ni tito o kaya dun sa Owner di pala pogi points sana baka kasi madami chicks dun.
READY FIGHT!!!:
Pagdating dun kami lang ang nandun tanghali na pala kami bukod sa aming apat na panggap magjogging eh may dalawa pang naghihingalong manong ang nagjajogging pero ok na toh para solong solo ang takbuhan.
Jog jog jog laaaaaaaaaaaaaaakkkkkkkkkkkkkkkkkkkaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaddddddddddddd jog jog laaaaaaaaaaaaaakkkkkkkkkkkaaaaaaaaaaaaaaaaaddd jog laaaaaaaaaaaaaakkkkkkkkkkkaaaaaaaaaaaddddd.Upo.
PAALAM SAPATOS:
Teka, bakit may pumapasok na hangin sa paa ko teka!! hindiiiiiiii!!! ang sapatos ko nasira na wala pang dalawang ikot waaaaaaaa!!! pinakamamahal ko pa naman iyong sapatos na 'yon bumuka na matagal tagal na rin kasi ang sapatos ko na yon 6 na taon na, masaya rin ang pinagsamaan namin nun mula sa slamman, xmas party, inuman,pampasok, at sa sugalan ( di totoo iyong pang huli ). Pero ok na ako kasi nilabasan naman na ako eh............... ng pawis ( aha! akala mo ano noh? ) andami.
RAY ADE:
Pagkatapos magjogging pumunta kami sa court may dala kasi kaming bola shooting kami tiglilimang tira kung sino ang pinakakonting naishoot ay tatakbo ng isang ikot sa court ay naku anlaki ng ring sabi pa ni tito patatakbuhin nya daw ako kasi ako pinaka mataba " we'll see " mayabang kong sagot. Ako pa! kaya nga ko tinawag na Ray Ade eh, ayon nakadalawang takbo si Tupe ( di sya tao ) at isa naman kay tito Jojo.. bwuahahaha ako pa...
CALL OF NATURE:
Uwian na penetensya na naman, sa pauwi di na ako gumagapang, gumugulong na.Nauna na si tito maglakad naiwan kami kasi matagal kami maglakad, si Dagul ( Tita Geng asawa ni tito Jojo ) nagtricycle sya dahil TAENG TAE na daw sya, andaya ( ang totoo di na nya kayang maglakad ), syempre madadaanan ako ng tricycle pinatigil ni tita ung driver kasama yong tricycle tumigil syempre alangan namang yong driver lang titigil " tara na " sabi ni tita " ayoko dagul kaya ko to ayokong sumakay " sagot ko (sabay pagpag sa ilong ) pero dahan dahan pa ring umaabante iyong tricycle ayaw pang humarurot kala nya siguro sasakay ako pero maya maya humarurot na rin.
MALOKO SI MANONG DRIVER:
Pagdating sa bahay tawa ng tawa si tita " bakit " sabi ko, " di ba pinasasakay na kita kanina " " oo " sabi ko " pero umayaw ka di ba? alam mo anong sabi nun tricucle driver " sabi nya " ano? " sabi ko. Eto na ( boses ni tita ) " di po ba sasakay yon? hirap na hirap na yon ah " sabi ni manong (ako ung tinutukoy ni manong) " T@#$^$na!! siraulo si manong ah " ( ahh.. tapang ko noh wala na ung tricycle driver eh ).
Ang ending syempre masakit ang katawan ko. Aray!!

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento